Ano ang Social Welfare Assistance sa abroad?



Ito ay isang direktiba mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na makatutulong sa sistematikong pagbibigay-ayuda. Ito ay base sa Joint Memorandum Circular No. 1, s. 2020 ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), at Department of the Interior and Local Government (DILG). Maaring makasama ang pamilya ng mga OFWs at Overaseas Filipinos sa mga beneficiaries ng SAP (kung pasok sila sa criteria o kabilang sa mga low-income households).



Department of Labor and Employment Abot
Kamay ang Pagtulong Program (DOLE-AKAP)




March 25, 2020

Ipinahayag ng DOLE na magbibigay sila ng tulong na ₱ 10,000 (o $ 200) sa mga OFW na apektado ng COVID-19.


April 8, 2020

Inilabas ng DOLE ang implementing guidelines para sa pagtanggap ng ayuda.

Proseso para makakuha ng SWA para sa mga OFWS na nasa abroad

Sino ang sakop ng DOLE-AKAP?



Regular / Documented OFWS

  • • Mga may valid na passport at angkop na working visa o permit upang manatili sa bansang pinagtatrabahuhan.

  • • Dumaan sila sa POEA o POLO para sa pagproseso ng kanilang kontrata


Qualified Undocumented OFWs

  • • Dating regular OFW pero nawala ang regular/documented status nito

  • • Hindi dumaan sa POEA, o hindi naproseso ang kontrata ng POEA at POLO. Pero sila ay gumawa ng sariling hakbang upang maayos and legal status o kontrata

  • • Undocumented OFW pero active member ng OWWA


Balik-Manggagawa

  • • Mga OFW na nasa Pilipinas at hindi nakabalik sa bansang pinagtatrabahuhan dahil sa lockdown


Iba Pang Qualified na OFW

  • • Mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown o dahil na-infect ng COVID-19

  • • Mga OFW na nasa abroad man o nasa Pilipinas na hindi nakatanggap ng anumang tulong pinansyal mula sa bansang pinagtatrabahuhan o sa employer nito

Paano makakakuha ng ayuda?



1. Requirements

Mag-submit ng mga sumusunod na dokumento sa POLO (puwedeng online o sa kanilang opisina)
  • • Accomplished Application Form na maaaring i-download sa website or Facebook page ng POLO kung saan sakop ang bansang pinagtatrabahuhan
  • • Kopya ng passport o travel document • Kopya ng patunay ng overseas employment tulad ng: - Overseas Employment Certificate - Residence ID - Working Visa
  • • Kopya ng dokumento na magpapatunay na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19
  • • At para sa mga OFW na naging undocumented sa dahilang hindi nila kasalanan, dokumentong magpapatunay na sila ay may kasalukuyang kaso tulad ng:
  • - Case Reference Number
    - Case endorsement ng POLO



2. Assesment

  • Susuriin ng POLO ang iyong application sa loob ng limang (5) araw. Hintayin kung na-approve ang iyong application.


3. Encashment

  • Kapag na-approve ang iyong application, ang iyong tulong pinansyal ay matatanggap sa pamamagitan ng bank transfer o money remittance.